Dahil sa pandemya, mahigit isang taon na tayong hindi personal na nagkikita-kita at nagkakasama-sama. Na-busy tayo sa pangungumusta sa kalagayan ng mga estudyante natin. Nag-alaga ang marami sa atin ng mga kapamilyang nagkasakit. May ilan na tumutok din sa mga online class ng anak, kapatid, o pamangkin.
Pero syempre, kailangan din natin huminga at magpahinga. Nakaka-miss ang mga co-faculty na natatanungan, nakukulit, naaayang magkape. Nakakagaan din sa loob ‘yung may nangungumusta. Kaya this time, tayo naman. Ipapaalala natin sa isa’t isa na kailangan din ng kalinga ang mga tagapagkalinga.
Welcome, dear faculty, sa ating Kalinga Hubs (k-hubs)!
Ang isang Kalinga Hub (k-hub) ay isang safe virtual space ng faculty, para sa faculty. Sa loob ng isang oras, magsasama-sama ang mga faculty — maaaring magkakakilala, maaaring hindi — para magbahaginan ng mga kwento, ideya, karanasan, at pinagdadaanan. Magkakalayo man, parang magkakalapit na rin.
Sa ngayon, maglulunsad tayo ng 3 general hubs:
- k-hobbies: para sa mga may kasanayang kasalukuyang kinakarir
Maaaring magsama-sama dito ang mga plantito at plantita, siklista, mahilig sa yoga, mahilig sa arts and crafts, painting, drawing, nag-aalaga ng pets, kotse, atbp., nagkokolekta ng kung anu-ano, atbp.
Gustong makakilala ng kapareho ng hobby? Gustong maka-witness ng ibang side ng faculty? Gusto ng activity partners? This k-hub is for you!
k-hobbies Registration Form: Alternative Karir! (ang k-hub para sa mga may kasanayang kasalukuyang kinakarir)
17 June 2021 (Thursday), 6:00 – 7:00 PM
Register here: http://bit.ly/UPDKHobbies
- k-mmunities: para sa kumustahan at kalingaan
Maaaring magsama at bumuo ng kanilang community ang grupo ng mga magulang na may newborns, grupo ng mga single, grupo ng mga nagchecheck/pagod na magcheck, grupo ng mga breadwinner, grupo ng mga may tanong tungkol sa pagtuturo, grupo ng mga nasa isang LDR, atbp.
k-mmunities Registration Form: Para sa mga nagtsecheck (ang K-Hub para sa kumustahan at kalingaan)
25 June 2021 (Friday), 6:00 – 7:00 PM
Register here: http://bit.ly/UPDKmmunities
- k-socials: para sa kulitan at kalokohan
Maaaring maging “spirited” ang kaganapan dito. Kung naghahanap ng ka-videoke, ka-jamming, katagay (ng kape, tsaa, soju, and things of that nature), baka mag-enjoy ka dito.
k-socials Registration Form: Jamming Tayo!(ang k-hub para sa kulitan at kalokohan)
09 July 2021 (Friday), 6:00 – 7:00 PM
Register here: http://bit.ly/UPDKSocials
k-hubs is brought to you by your k-samas from the Kalinga Core Team:
Karyl Christine A. Abog
Annalyn D.G. Capulong
Jose Antonio R. Clemente
Josephine Louise F. Jamero
Jon Paul F. Maligalig
Maria Vanessa L. Oyzon
Lutze-Sol A. Vidal
Lijoy Fullentes, Office for the Advancement of Teaching