Masaya po naming ibinabalita sa inyo na accessible na ang Teaching Effectiveness Course: Fundamentals of University Teaching Resources Site. Kailangan po ang UP webmail para ma-access ito. Bukod po sa QR code provided, narito ang link: https://sites.google.com/up.edu.ph/tec
Ito po muna ang ating “pantawid,” lalo na para sa ating mga bagong faculty, habang inaantay ang TEC na gaganapin ngayong midyear. Sa atin pong mga kasamang faculty, paki-bookmark na po ang website na ito for easier access.
Ang site po na ito ay repository ng iba’t ibang resources — lecture videos, reading materials, suggested activities — batay sa naging virtual TEC noong August 2021. Pero pwede rin po itong itrato bilang isang self-paced online course habang nagpa-practice din po kami na bumuo ng ganitong online courses. Pwedeng pagdaanan ang modules weekly o monthly, kung may libreng oras ang ating faculty.
Napakalaki po ng aming pasasalamat sa mga naging resource persons at learning partners for their generosity and overall awesomeness. Hangad po naming makatulong ito sa ating faculty tungo sa lalong pagpapabuti ng ating pagtuturo.
Kung may mga tanong o mungkahi, mag-email lang po sa ovcaa.oatdiliman@up.edu.ph