Kalinga Hubs (k-hubs) Daan ka muna, kahit saglit lang?
Dahil sa pandemya, mahigit isang taon na tayong hindi personal na nagkikita-kita at nagkakasama-sama. Na-busy tayo sa pangungumusta sa kalagayan ng mga estudyante natin. Nag-alaga ang marami sa atin ng mga kapamilyang nagkasakit. May ilan na tumutok din sa mga online class ng anak, kapatid, o pamangkin. Pero syempre, kailangan din natin huminga at magpahinga. Nakaka-miss ang mga co-faculty na natatanungan, nakukulit, naaayang magkape. Nakakagaan din sa loob ‘yung may…